BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Tuesday, April 3, 2012

Sintang Palihim: Sa Wakas !



Hindi ako nagtagumay sa aking binabalak
Ang ipagtapat ng puso kong kay busilak
Pagkatapos ng gabing iyon; ako'y napaisip
Ako'y nabagabag; hanggang sa ako'y naka-idlip

Isang kasiyahan, ako'y inanyayahan
Isang kaibigang malapit sa akin
Sinabi "ito na ang iyong huling pagkakataon"
Upang sabihin ang tunay mong nararamdaman

Dahil sa kanyang sinabi ako'y nagdesisyon
Na sa araw na ito ako na'y aamin
Upang bitbit sa aking kalooban
Mabawasan at magkaroon ng kasagutan

Sa swimming pool, siya'y aking nakita
Ang kanyang ngiti ay puno ng sigla
Sana'y masiglang ngiti huwag mawala
Hanggang sa oras na ako' umamin sa kana

Gabi'y lumalalim, nagdidilim na ang kalangitan
Aking binabalak, tila aking nakakalimutan
Nawala sa aking isipan sa sobrang kaligayahan
Kaya't nawaglit na sa aking isipan

Aking kaibigan ako'y pinalalahanan
Napansin niyang aking nalimutan
Ang "mission" kong minsan ng di nagtagumpay
Sabi niya'y baka ako'y magsisi ng habambuhay

Noon di siya sang ayon sa aking kagustuhan
Ngunit ngayon sia ang tumutulong sa akin
Marahil naabasa niya ang aking mga mata
Kahit itago ko'y kanyang itong nakikita

Kahit siya'y tahimik ako'y inaalalayan
Minulat niya ako sa katotohanan
Pinalakas niya ang mahina kong damdamin
At ituloy ang mission na minsan naudlot noon

At sa kabilang dako, paming tatlo'y magkasama
At doon nasaabi ko sa aking sarili "ito na nga "!
Sinabi ang mga salitang higit sa isang taon
kong tinago sa aking kalooban

Siya'y di makapagsalita sa aking sinabi
Inaasahan ko na ang kanyang pagtanggi
Ngunit tila  iba pa yata ang nangyari?
Sa halip tanggihan siya pa'y napangiti ?

Ako'y natuwa at puso'y kinilig
Di ko pinagsisihan na siya'y inibig
Nagpapasalamat pa nga ako
Dahil siya ang pinili ng puso ko

Isang binatang tulad nya kay hirap hanapin
Siya'y puno ng sila at maunawain
Isang taong kay tamis kung ngumiti
Sa wakas ! ako'y naipag-tapat na rin
--Ang mahigit isang taong bitbit ng aking damdamin..


This poem is for my best friend Rodjeilyn, finally she didn't run away, she faced the fact that she loves him
and admitted it :] how I wish I'm strong as her, unlike me, I didn't tell him yet, guess it's too late~
I'm proud of you Rodj :]

04 12 10 :D

0 comments: