'Di inaasahang tayo'y magkakilala
sa isang lugar na 'di natin inakala
tayo ay naging magkaibigan ng di sadya
sa'yo ko natagpuan ang tunay na ligaya
tinanggap mo ang lahat ng walang alinglangan
narito ako kung ako'y iyong kailangan
isang tunay na kaibigan na laging tapat
handa kong ibigay ang higit pa sa sapat
Isang araw may sumagi sa 'king isipan
Tila may bumalot sa'ting pagkakaibigan
Hangad nating makapag-usap ng masinsinan
Upang sa bandang huli'y walang pagsisihan
Dooý iyong pinagtapat tunay mong damdamin
Ako'y napatulala 'di ko akalain
Tama ba ang sinasabi ng iyong mata ?
Na sa akin ika'y may lihim na pagsinta ?
Puso ko'y 'di mapigilan sa pagpintig
Ngayon lang nalaman ito pala'y pag-ibig
Kaya pala'y ating pakiramdam ay iba
Dahil tayo ay umiibig sa isa't- isa
0 comments:
Post a Comment