BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Friday, December 23, 2011

Magulong Isip


















Sa bawat sandaling tayo ay magkasama
Anong saya itong aking nadarama
Tila puso ko'y dinuduyan sa hangin
Bawat sandaling iyon ay nais kong damhin

Nang una kong mahuli ang iyong paningin
Tila may nabago sa aking damdamin
Bakit ba ganito ang aking pakiramdam?
Ang puso ko'y tumatakbo na di ko malaman

Bakit iba ang aking ikinikilos ngayon ?
Sadya bang damdamin ko'y parang panahon ?
Nang 'di makapagpigi'l ako'y dumaing'
Sagot nila sa tanong ko'y ito ay pag-ibig.

Mula noong ako'y ay nabagabag
Mga tanong ko'y lalong dumagdag
Pagpintig ng puso ko'y kay hirap pigilin
Pati isip ko'y di na alam kung ano gagawin

Pinagmamasdan ko ang ulan mula sa langit
Hinihintay kung ito'y hihinto kahit saglit
Pag-ibig nga'y parang ulan na di malaman
Hanggang ngayon magulo pa rin ang isipan

0 comments: