Nang ikaw ay dumating sa aking buhay
Malungkot kong buhay; binigyan mo ng kulay
Mga luha ko'y iyong pinunasan
Tunay na saya; sayo ko naramdaman
Tuwing ikaw ay kasama; ako'y masaya
Sa malungkot na buhay ; ako'y lumaya
Pagkat pina-ngiti ang malungkot na labi
Hiling ko sana; ika'y laging nasa tabi
Nang bumalik ang nakaraan mong pag-ibig
Aking tinig sana'y iyong madinig
Pagkat ngayon ko lang ito nalaman
Ang hiwagang bumalot sa aking damdamin
Isang araw, iyong naipagtapat
Ang damdamin mong, di alam ng lahat
Ngunit aking tinanggihan ; dahil di dapat
Pagkat mahal ka nang kaibigan kong tapat
'Di ko nais na siya ay pagtaksilan
Pinagpalit ko sarili kong kasiyahan
Pagkat siya ay importante sa aking buhay
Dahil siya ay aking kaibigang tunay
Paano kung ikaw ang aking pinili ?
Mamahalin mo ba ako lalo kung sakali ?
Pero ang kaibigan ko naman ang mawawala ?
Kung gagawin ko iyon ako ay magkakasala
Kaya di ko pinagsisihan aking desisyon
Dahil tingin ko ay dapat lang iyon
Pagkat alam ko na siya ang mahal mo
Napatunayan ko na iya'y totoo
Kailangan na kitang limutin ng tuluyan
Dahil sarili ko'y aking pinahihirapan
Ngayon 'ni makita ka , di ko na ibig
Dahil isa ka nang nakaraan pag- ibig
0 comments:
Post a Comment