Ikaw ay aking nasilayan sa malayuan
Tila mundo mo'y puno ng kapighatian
Mayroon bang naglalaro sa iyong isipan ?
Nais kang alisin sa mundo ng kalungkutan
Sa tuwing kasama mo, iyong mga kaibigan
Tila napapawi ang iyong kalungkutan
Na ninanais ko na ako na lang sana
Ang makakapag-bigay sa iyo ng saya
Kapaskuha'y dumating di man nakapagusap
Ang iyong tinig ; aking hinahanap-hanap
Pangungulila sa iyo'y pilit kong tinatago
Iniisip kung kailan; landas natin magtatagpo
Nang ikaw ay nawala sa aking paningin
Ang bukod tanging hiling ko'y di man nadinggin
Ngunit sa tagal mong nawala sa aking tabi
Ang dapat kong sabihin ay di ko na nasabi
Hanggang isang araw; may isang taong dumating
Kahit na ang tanging hiling koý di man nadinggin
Siya ang tanging sumagot sa aking panalangin
Dahil naiintindihan niya ang aking saloobin
Huling gabi ng bakasyon; ikaw ang nasa isip
Sa sabik kang makita ; hirap akong makaidlip
Inaabangan ang muli natin pagkikita
Dahil di ko maikubli ang lihim kong pagsinta
Nang malaman ko kung sino ang iyong sinisinta
Naisip ko'y imposibleng ako'y iyong makita
Pagkat ang iyong pagtingin ay nakabalin sa kanya
Dahil kapag ika'y malungkot kanya kang napapasaya
Kaya't ngayon ako'y nagmumukmok sa isang tabi
At aking tinikom sa pagsasalita aking labi
Sa pangangamba'y baka ako'y may masabi
Dahil sa simula't pa man aking pagsisinta'y mali
Ngunit ako'y di nagsisi na ika'y aking minahal
Dahil ika'y naging aking inspirasyon sa lahat
Nagpapasalamat ako dahil ika'y dumating
Tinuruan mo ang puso kong umibig
Kahit na pag-ibig ko sayo 'y di ko nasabi
Di ako nagsisisi kahit sa bandang huli
Makita kang masaya ay sapat na sa akin
Kahit na kaibigan lang ang turing mo sa akin